Bilang pagkilala sa kabayanihan at kagitingan ni 𝐏𝐎𝟑 𝐄𝐩𝐡𝐫𝐚𝐢𝐦 𝐌𝐞𝐣𝐢𝐚 at ng Special Action Force (SAF) 44 na sumabak sa Oplan Exodus sa Maguindanao noong 2015, ginunita ngayong araw ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang Pambansang Araw ng Pag-alaala sa Kabayanihan ng SAF 44.

Sa pangunguna ni Fr. Farley Castro, nag-alay ng mataimtim na misa para sa 44 elite commandos ng PNP SAF na dinaluhan nina Mayor Alicia Primicias-Enriquez, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at ang PNP San Nicolas sa pangunguna ni PCAPT Joseph Mejia.

Naghandog naman ng mensahe ng pagmamahal at pasasalamat sina Gng. Miya Mejia at July Mejia, ang naiwang asawa at anak ni PO3 Mejia na nagbigay inspirasyon at nagbukas ng kanilang mga mata sa mas malalim na kahulugan ng pagsasakripisyo sa ngalan ng bayan.

“Matulin mang lumipas ang sampung taon, ngunit kailanma’y patuloy na mananatili ang pamana ng pag-asa at kabayanihan na ipinamalas ni PO3 Ephraim Mejia at ng SAF 44. Ang kanilang katapangan sa harap ng panganib ay isang patunay ng kanilang pagiging makabayan at hindi matatawarang dedikasyon sa paglilingkod sa ating bayan,” ani Mayor Alice.

#NationalDayOfRemembrance#SAF44#Gallant44#SpecialActionForce#WeRemember#ThankYouForYourGallantry#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon