Isa nang ganap na Super Typhoon ang Bagyong #OfelPH taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kph at pagbugsong umaabot sa 230 kph.
Nakataas na ngayon ang Signal No. 5 sa Santa Ana at Gonzaga, Cagayan dahil sa inaasahang pagtama nito mamayang hapon bilang mapaminsalang bagyo.
Samantala, walang nakataas na wind signal sa San Nicolas, Pangasinan ngunit makararanas ito ng makulimlim na panahon ngayong araw.
Ipanalangin po natin ang mga kababayan nating direktang maaapektuhan ng bagyong ito.
Source: Philippine Weather System & DOST-PAGASA
#WeatherUpdate#SuperTyphoon#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride