Bilang paghahanda sa mga posibleng panganib na dulot ng bagyong Gener, nagdaos ng pagpupulong si Mayor Alice kasama ang Response Cluster upang talakayin ang Pre-Disaster Risk Reduction Assessment.
Ilan sa mga tinalakay ay ang kasalukuyang lagay ng panahon na dala ng Tropical Depression Gener, pati na rin ang mga responsibilidad ng bawat kasapi kaugnay sa mga pangunahing hakbang na kailangan gawin upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan.
Kabilang sa mga rekomendasyon kung sakaling lumala ang sitwasyon ay ang pagtaas ng alert status, suspensyon ng mga klase, pansamantalang pagsasara ng Villa Verde Road, at ang pagmomonitor sa mga pagguho ng lupa, pagbaha, at iba pang sakuna na dulot ng bagyo. Mahalaga rin ang patuloy na pagmamatyag at pagrereport ng bawat punong barangay sa kanilang nasasakupan.
Inaanyayahan ni Mayor Alice ang lahat na manatiling ligtas at kalmado, at maghanda ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at tubig, kung sakaling magpatuloy ang masamang lagay ng panahon.
#PreDisasterRiskReductionAssessment
#BeAlertAndKeepWatchForTheLatestUpdates
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride