Ibayong kagalakan ang nadama ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralang elementarya at child development centers sa San Nicolas sa pagbisita ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez at ng lokal na pamahalaan bilang bahagi ng pagpapatuloy ng programang pamamahagi ng school t-shirts ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.
Mahigit 2,555 mag-aaral ang nag-uumapaw ang kaligayahan na makikita sa hindi mapawing ngiti sa kanilang labi at kumikislap na mga mata sa galak dala ng regalong ito ng alkalde.
Ang mga larawang nakalakip ay mula sa San Jose Elementary School at Chrysanthemum Child Development Center.
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride