Sa pagsisikap ni Mayor Alice na maipagkaloob ang natatanging serbisyo para sa sektor ng edukasyon, naipaayos na ang 107.55 metrong perimeter fence sa likod na bahagi ng East Central School sa tulong ng Municipal Development Fund.

“Bahagi ng ating adhikain ang mapanatiling ligtas ang mga bata sa paaralan mula sa anumang panganib kung kaya’t ginagawa natin ang lahat upang magkaroon ng maayos na perimeter fence ang lahat ng paaralan sa San Nicolas,” ani Mayor Alice.

Bukod pa rito, nalagyan na rin ng floor tiles ang 78.40 sq. m. na laboratory room ng nasabing paaralan sa tulong ng Special Education Fund na nagpasaya sa mga batang mag-aaral lalong-lalo na si 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐁𝐚𝐫𝐭𝐨𝐥𝐨𝐦𝐞 𝐂𝐚𝐫𝐫𝐞𝐫𝐚 dahil may maayos nang room para sa pagsasagawa ng science experiments at investigatory projects ng mga mag-aaral.

“Malaking bagay para sa East Central School na kaisa namin ang pamahalaang lokal ng San Nicolas sa pangunguna ni Mayor Alice sa pagbibigay ng ‘safe space’ at kalidad na edukasyon sa aming mga batang mag-aaral,” saad ni Dr. Carrera.

#EastCentralSchool#DevelopmentalFund#RehabilitationOfPerimeterFence#SpecialEducationFund#FloorTilingAtLaboratoryRoom#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon