𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲 𝐧𝐢 𝐘𝐜𝐚 𝐏𝐚𝐬𝐜𝐮𝐚

Bata pa lamang ako, marami na akong nakikitang mga nilalang na hindi nakikita ng ibang tao.

Ayon sa aking nanay, nakikita na niya raw akong may kausap at kalaro nang ako’y musmos pa lamang. Palagi niya akong tinatanong kung sino ang kausap ko, ngunit hindi ako umiimik.

Sa aking paglaki, may nangyaring hindi ko inaasahang mangyari ilang taon na ang nakalilipas.

Isang gabi, habang mahimbing ang tulog namin, nagising ako dahil sa mga tahol ng aso na para bang umiiyak. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata’t nakaramdam ako ng takot.

Sa pagmulat ko, tumambad sa akin ang isang maitim, malaki, mabalbon, at walang ulong lalaki. Nakaupo siya noon, hawak-hawak nito ang kaniyang ulo na nakapatong sa kaniyang hita. Pulang-pula ang mga mata nito.

Kitang kita ko kung paano niya tanggalin ang kaniyang mga kamay na tumilapon sa akin. Ang mga kamay niya’y gumagapang sa akin na para bang may pagnanasa ito. Pinilit kong igalaw ang aking katawan, ngunit para akong nakagapos.

Kahit ilang beses akong sumigaw, m walang lumalabas na boses sa aking bunganga. Iyak ako nang iyak at tinatagan ang aking loob. Nagdasal ako at nagmamakaawa sa Panginoon na huwag niya akong pababayaan gayon din sa mga kapatid at magulang ko.

Mabilis na pumapatak ang aking luha noon, tinuloy-tuloy kong manalangin, at ipinikit ang aking mata at nagpatuloy. Makalipas ang ilang sandali, nawala na ang kaniyang kamay sa aking katawan at naglaho ito na parang bula. Napanatag na ako ng mga oras na iyon ngunit tuloy tuloy parin ang aking pag-iyak hanggang sa nakatulog ako.

Kinaumagahan, kinuwento ko ito sa aking mga magulang. Dahil alam nilang ang nilalang na ito ay galing sa manggang nasa tabi lamang ng aming bahay, agad-agad nilang pinaputol ito. Mula noon, hindi na gumambala ang lalaking may pugot na ulo.

#TrueHorrorStory#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon