Kailian, ang suwerte na ang naghihintay sa’yo sa Raffle Bonanza ng Panagrambak 2025!
Pagkakataon mo nang manalo ng Yamaha Mio Sporty, Smart TV, refrigerator, washing machine, air fryer, rice cooker, electric fan, 25 kg. of rice, at single burner gas stove sa Grand Draw na gaganapin sa Municipal Covered Gymnasium sa Marso 5 ng alas-4 ng hapon.
Ang bawat raffle ticket ay nagkakahalaga ng Php 20 at mabibili sa Legislative Building. Ang bawat stub ay dapat na malinaw na punan ng kumpletong pangalan, address, contact number, lagda, at pangalan ng solicitor ng kalahok.
Ang huling araw ng pagbabayad at pagsusumite ng raffle stubs ay sa Marso 4 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng gabi sa San Nicolas Legislative Building. Ang mga raffle stub na isinumite pagkatapos ng deadline ay madidisqualify sa draw.
Tandaan na kailangang ipakita ng lahat ng mga nanalo ang kanilang raffle ticket para makuha ang kanilang premyo sa panahon ng live na draw, at ang mga hindi na-claim na premyo ay maaaring kolektahin sa San Nicolas Legislative Building hanggang Marso 20, 2025, lamang.
Kaya ano pang hinihintay mo, kailian? Sali na at baka ikaw na ang masuwerteng manalo. Maaari pang bumili ng raffle tickets sa Legislative Building.

#RaffleBonanza#GrandRaffleDraw#PushYourLuck#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride