Alam mo ba na si Saint Nicholas ang naging inspirasyon sa pigura ni Father Christmas o Santa Claus? Ang kaniyang pagiging bukas-palad at kabaitan ang pinagmulan ng tradisyon ng pagbibigay ng regalo tuwing Pasko. Nararapat lamang na sama-sama nating bigyang-liwanag at pag-asa ang bayang ipinangalan sa kaniya.

Samahan kami sa Nobyembre 16 at muling buksan ang Christmas in the Park 2024. Markahan na ang inyong kalendaryo! Yayain na ang inyong kapamilya, kapuso, at kabarkada. Ihanda na ang pangmalakasang OOTD. Tara na’t sama-sama nating bigyang-kulay at liwanag ang salubong sa pinakamasayang araw sa mundo—ang Pasko.

Puspusan na ang paghahanda ni Mayor Alice kasama ang kaniyang team upang gawing mas engrande, mas bongga, at mas exciting ang dinarayong Christmas in the Park. Lubos ang pasasalamat ni Mayor Alice sa lahat ng empleyado ng lokal na pamahalaan, mga kasapi ng TUPAD, at mga volunteer groups na walang sawang tumulong sa paghahanda para sa Christmas Lighting. Ang kanilang dedikasyon at pagsisikap ay nagbigay-daan upang maging makulay at masaya ang ating pagdiriwang ng Pasko taon-taon.

Maraming sorpresa ang naghihintay sa inyo, kailian, kaya’t huwag nang magpatumpik-tumpik pa. Hihintayin namin kayo, kailian! 🥰🫰❤️🎄

#ChristmasinthePark2024#SaintNicholas#ChristmasTown

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon