Sa nalalapit na pagdagsa ng mga turista sa Puyao Picnic Ground, tinututukan na ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang emergency response sa nasabing tourist spot sa pangunguna nina MDRRMC Chairperson Mayor Alicia Primicias-Enriquez at MDRRM Officer Shallom Gideon B. Balolong.

Hinati sa limang batches ang 180 cottage owners mula sa Brgys. Sta. Maria East at Fianza upang sumailalim sa First Aid at Basic Life Support Training na magagamit nila sa anumang panganib na maaaring mangyari sa mga turista tulad ng pagkalunod, pagkadulas, at iba pang hindi inaasahang pangyayari.

“Ang mga cottage owner na may training sa first aid at basic life support ay maaaring magbigay ng agarang tulong at pag-aalaga na maaaring makaligtas ng buhay. Ang pagkakaroon ng sapat na kasanayan sa first aid ay nagbibigay ng tiwala sa mga bisita na sila ay ligtas sa kanilang pagbisita sa Puyao Picnic Ground,” saad ni Mayor Alice.

“Nagpapakita lamang ito ng kanilang kahandaan sa anumang sitwasyon at nagpapataas ng reputasyon ng Puyao Picnic Ground bilang isang ligtas at maayos na destinasyon para sa turismo,” dagdag naman ni MDRRM Officer Balolong.

Kahapon, sumailalim na sa pagsasanay ang 35 cottage owners na natutuhan ang tamang paglunas sa injuries, sugat, cut, choking, at abrasions at maging ang bandaging at basic water rescue.

#EmergencyResponse#PuyaoPicnicGround#CottageOwners#SanNicolasTourism#BasicLifeSupport#SeeSanNicolas#SeePangasinan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon