Muling bumida ang San Nicolas, Pangasinan sa national television matapos maitampok ang Puyao Picnic Grounds sa programang 24 Oras ng GMA Network.
Dahil sa mahusay na liderato ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez, agaw-pansin ngayon ang nasabing destinasyon dahil sa ginawang pagsasaayos at pagpapaganda sa lugar na may kakaibang tanawin, preskong hangin, at natural na ganda na alok nito, dahilan upang maakit ang libo-libong turista mula sa iba’t ibang sulok ng bansa.
Pumatok din sa publiko ang tourism tagline na “Wow Puyao” kung kaya’t marami na ngang napa-wow sa ganda ng San Nicolas, Pangasinan na nagpapatunay na ang natural na yaman ng Pilipinas ay dapat ipagmalaki at pangalagaan.
Halina’t bisitahin ang Puyao Picnic Grounds at hayaan nitong kayo’y yakapin ng kapayapaan at kagandahan ng kalikasan!
#WowPuyao#PuyaoPicnicGrounds#TouristDestination#SeeSanNicolas#SeePangasinan#LoveThePhilippines#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride