Magsasagawa ng massive anti-rabies vaccination ang pamahalaang lokal ng San Nicolas mula Pebrero 11 hanggang Abril 10, 2025 bilang paggunita sa Rabies Awareness Month ngayong darating na Marso.

Nakasentro sa temang “Rabies-Free na Aso’t Pusa, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino” ang nasabing programa sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office at sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture at Department of Health na binibigyang-diin ang responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop at ang kontribusyon nito sa pagkontrol ng nakamamatay na rabies.

“Mahalagang mabakunahan ang mga aso’t pusa na 3 months old and above upang maproteksyunan ang ating pamilya at maiwasan ang rabies kung sakaling makagat tayo nito,” saad ni Engr. Cristopher Serquiňa, municipal agriculturist.

#RabiesAwarenessMonth#MassiveAntiRabiesVaccination#Cats#Dogs#BeAResponsiblePetOwner#MunicipalAgricultureOffice#DepartmentOfAgriculture#DepartmentOfHealth#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon