SAN NICOLAS, PANGASINAN – Sa buwan ng Pebrero 2025, matagumpay na naisagawa ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ang kanilang buwanang programa sa pagbabakuna laban sa rabies. Mula Pebrero 11 hanggang Pebrero 25, umabot sa kabuuang 1,273 alagang hayop ang nabakunahan sa iba’t ibang barangay.
Ayon sa ulat, ang Brgy. San Roque ang may pinakamataas na bilang ng nabakunahang alagang hayop na umabot sa 395, kung saan 316 dito ay mga aso at 79 naman ay mga pusa. Sinundan ito ng Brgy. Malilion na may kabuuang 142 nabakunahan, at Brgy. San Felipe West na may 143 nabakunahan.
Sa kabuuan, 966 aso at 307 pusa ang nabakunahan, na may kabuuang 594 may-ari ng alagang hayop na naserbisyuhan ng programang pinangunahan nina Municipal Livestock Coordinator Adonis M. Banaga at Municipal Agriculturist Engr. Cristopher D. Serquiña, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez.
Ang nasabing programa na nagbibigay-diin sa responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop at ang kontribusyon nito sa pagkontrol ng nakamamatay na rabies ay bilang paggunita sa Rabies Awareness Month ngayong darating na Marso kung kaya’t nagsasagawa ng massive anti-rabies vaccination simula ngayong buwan at aarangkada hanggang Abril 10, 2025.
#RabiesAwarenessMonth#RabiesFreePH#Cats#Dogs#MassiveAntiRabiesVaccination#VaccinationForYourBelovedPets#BeAResponsiblePetOwner#MunicipalAgricultureOffice#DepartmentOfAgriculture#DepartmentOfHealth#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride