Dalawang proyekto ang sinuri ni Mayor Alice sa Brgy. San Rafael Centro upang matiyak na ang mga materyales at pondong inilaan ng pamahalaang lokal ay sapat at naaayon sa mga pangangailangan ng barangay.

Isa sa mga proyekto ang drainage canal sa kanilang barangay road, na may habang 226.6m, taas na 0.80m, at lapad ng bukana na 0.50m. Kasabay nito, binisita rin niya ang mga bagong floor tiles na inilagay sa ikalawang palapag ng barangay hall.

Hindi maikakaila ang kagalakan ng barangay na pinamumunuan ni 𝐏𝐁 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐓. 𝐁𝐢𝐛𝐚𝐭 nang kanilang samahan si Mayor Alice sa kaniyang pag-inspeksyon sa mga proyekto.

Ipinaabot din nila sa alkalde ang kanilang pakikiisa at pasasalamat sa mga layunin at proyekto ni Mayor Alice na naglalayong mapaunlad ang kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayan ng San Nicolas.

#BarangaySanRafaelCentro

#ConstructionOfDrainageCanal

#InstallationOfBarangayHallFloorTiles

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon