Bilang proteksyon laban sa mga panganib na dulot ng baha at pagguho ng lupa na sumisira sa mga daanan ng Brgy. San Rafael West, tumulong ang pamahalaang lokal sa pamumuno ni Mayor Alice sa paggawa ng kanilang riprap na may habang 35 metro, lapad na isang metro, at taas na 1.8 metro.
Kamakailan, bumisita ang alkalde upang masusing suriin ang nagawang estruktura na ginamitan ng mga materyales mula sa pondo ng Barangay Subsidy.
Hindi pinalagpas ni 𝙋𝘽 𝙋𝙚𝙥𝙚 𝙑. 𝙑𝙖𝙡𝙚𝙣𝙘𝙞𝙖 at ng barangay council ang pagkakataong ito upang magpasalamat kay Mayor Alice sa mga tulong at suportang ibinibigay niya para sa kanilang barangay.
Samantala, napag-usapan din ng akalde at ng mga opisyal ng barangay ang mga concrete bagger mixer at iba pang materyales sa konstruksyon na kanilang hiniling para sa ikalawang bahagi ng barangay subsidy sa taong ito.
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride