Muling nadama ang Panagayat ni Dok nang bumista si Mayor Alice sa Brgy. Cabuloan upang inspeksyunin ang road concreting project na may habang 90 metro, luwang na apat na metro, at lapad na 0.20 metro na handog ni Cong. Marlyn sa kanila.

Magiliw na sinalubong ni 𝐏𝐁 𝐒𝐭𝐞𝐯𝐞 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐜𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧 at ng barangay council at iba pang residente ang alkalde na nagbigay pa ng P5,000 financial assistance upang may magamit ang kanilang tanggapan sa barangay.

“Habang inaayos pa natin ang lahat ng proseso, nagagalak akong ibinabalita sa inyo na ang dike protection ay popondohan niCong. Marlyn kung kaya’t wala nang pangamba kung sakali mang tumaas ang tubig mula sa ilog,” saad ng alkalde na ikinatuwa ng council at mga residente.

Ngayong Agosto 2024, ikakabit na rin ang dagdag 10 sets ng solar streetlights mula sa una nang sampung streetlights na naikabit na sa tulong ng Barangay Subsidy.

Sa ikalawang trance ng Barangay Subsidy 2024, magkakaroon muli ng panibagong set ng streetlights ang Brgy. Cabuloan at maaari pang mabigyan ng raincoats at umbrellas bilang proteksyon tuwing umuulan.

#RoadConcretingProject#BrgyCabuloan#DikeProtection#ThankYouCongMarlyn#ThankYouMayorAlice#ThankYouLGUSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon