Naging bahagi ng mayoral visit ang Brgy. Casaratan nanginspeksyunin ni Mayor Alice kasama ang Brgy. Council sa pangunguna ni 𝙋𝘽 𝙏𝙚𝙤𝙙𝙤𝙧𝙤 𝙀𝙨𝙥𝙞𝙧𝙞𝙩𝙪 ang bagong road shoulder projects sa Calvo St. at Spardike.

Bukod dito, binisita rin ng alkalde ang road concreting project sa Casaratan Road ni 𝘾𝙤𝙣𝙜. 𝙈𝙖𝙧𝙡𝙮𝙣 𝙇. 𝙋𝙧𝙞𝙢𝙞𝙘𝙞𝙖𝙨-𝘼𝙜𝙖𝙗𝙖𝙨 na nagpapatunay sa hangarin nina Cong. Marlyn at Mayor Alice na maisaayos ang mga daan tulad ng mga proyektong kanila nang napakikinabangan ngayon lalong-lalo na ang mga motorista at magsasaka.

“Prayoridad ng pamahalaang lokal ng San Nicolas katuwang ang tanggapan ni Cong. Marlyn ang pagsasaayos ng lahat ng daan sa buong bayan upang makapagdala ito nang mas maayos na serbisyo na makatutulong sa mabilis na pag-unlad ng buhay ng mga residente,” saad ni Mayor Alice.💪🤝

#MayoralVisits#BrgyCasaratan#RoadConcretingProjects#Imprastruktura#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon