๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Umani ng samuโt saring heart at wow reactions ang Christmas in the Park nang pormal itong magbukรกs sa publiko nito lamang Nobyembre 16.
Patok sa mga San Nicolanian at mga lokal na turista na nabighani at mamangha sa mga agaw-pansing atraksyon tulad ng tunnel of lights, belen, hanging umbrellas at hot air balloons, musical dancing fountain maging ang food bazaar na dinagsa rin ng mga tao bilang pagsuporta sa micro, small, at medium enterprises.
Nagsilbing panauhing pandangal si Cong. Marlyn Primicias-Agabas sa lighting ceremony. Kasama rin sa nakisaya sa nasabing okasyon sina Tayug Mayor Tyrone Agabas at Vice Mayor Lorna Primicias.
Pinuri naman si Mayor Alice sa social media dahil mas nakilala pa ang bayan ng San Nicolas ngayon. Bonus pa nang maibalita ang nasabing lighting ceremony sa TV Patrol na tunay na ikinatuwa ng lahat ng San Nicolanians.
Sa kaniyang mensahe, binigyang diin naman ng alkalde na ang pagpupugay sa Dakilang Tagapagligtas ang tunay na diwa ng pagdiriwang ng Pasko.
#ChristmasInThePark2024#LightingCeremony#Hope#Faith#Love#MerryChristmas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride