π‚πŽππ†. πŒπ€π‘π‹π˜π, ππ€ππ†π€πŠπŽππ† ππ”πŽππ† ππ”π’πŽ 𝐏𝐀 π‘πˆππ† πŒπ€π†π‹πˆπ‹πˆππ†πŠπŽπƒ 𝐒𝐀 πβ€™π’πˆππ€π πŸ”π­π‘ πƒπˆπ’π“π‘πˆπ‚π“

Bilang pasasalamat sa ika-anim na Distrito ng Pangasinan, pormal na inilunsad ang panibagong programa ni Cong. Marlyn Primicias-Agabas na β€˜Handog ni Len’ sa Brgy. San Roque, San Nicolas bilang patunay ng kaniyang hangaring buong pusong paglilingkod sa lahat ng kaniyang ka-distrito.

β€œHindi nagmamaliw ang pagmamahal ninyo sa akin at pangakong ipagpapatuloy ko ang Serbisyo a Naimpusoanβ€”ang paglilingkod nang walang pag-iimbot, ang pagsisilbi nang buong puso. Mga ka-distrito, mula noon hanggang ngayon, tapat po akong maglilingkod sa inyo,” ani Cong. Marlyn.

Naging maagang pamasko ang handog ni Cong. Marlyn na nagbigay ng ibayong tuwa’t saya sa mga ka-distrito kung kaya’t di mahulugang karayom ang dumagsa sa San Roque Covered Gymnasium sa pangunguna ni PB Vinson Dotimas at ang San Roque Brgy. Council.

Hindi rin nalimutang magpasalamat ng kongresista sa barangay health workers sa pangunguna ni Alona Fabia na nagbahay-bahay para sa stubs na naging instrumento upang maging maayos ang distribusyon ng β€˜Handog ni Len’ noong Lunes, Setyembre 30.

Napuno ng sayawan, kantahan, at halakhakan ang buong gymnasium dahil na rin sa nag-uumapaw na pagmamahal ng mga ka-distrito sa kongresista.

#HandogNiLen#SerbisyoANaimpusoan#IkawPaRinCongMarlyn#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon