𝟓𝟎𝟔 𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐈𝐂𝐎𝐋𝐀𝐍𝐈𝐀𝐍𝐒, 𝐊𝐈𝐍𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆𝐀 𝐍𝐆 𝐋𝐆𝐔 𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐈𝐂𝐎𝐋𝐀𝐒
Kailian, muli po tayong nagsagawa ng pamamahagi ng financial assistance sa ating mga kababayang San Nicolanian na humaharap sa matinding pangangailangan o mga pagsubok at walang kakayahang pinansyal.
Mula po nang kami’y maupo, hangad namin na mas mailapit pa ang lokal na pamahalaan sa mga residente lalo na ang mga nasa laylayan.
Sa pagkakataong ito, umabot sa P951,000 ang ating naipamahagi sa 506 na benepisyaryo, kung saan P152,000 ang inilaan para sa burial assistance at P799,000 naman ang para sa medical assistance. Bukod pa rito, may mga pasyente rin tayong nabigyan ng assistive devices.
Sa abot ng aming makakaya, ipagpapatuloy namin ang mga ganitong proyekto upang mas lalo pang masuportahan ang ating mga kababayang nangangailangan ng tulong mula sa ating lokal na pamahalaan.
~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙
#FinancialAssistance#TulongMedikal#TulongSaPaglilibing#IlapitAngLokalNaPamahalaanSaMamamayan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride