Sa layuning maging ‘pinakamalusog na lalawigan sa buong bansa’, pormal nang inilunsad ni Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico Ill katuwang si Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang Government Unified Incentives for Medical Consultation o GUICOnsulta sa bayan ng San Nicolas.
Bilang isang doktor, masayang-masaya si Mayor Alice dahil ang nasabing programa ay magbibigay ng libre at dekalidad na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, lalo na sa mga nangangailangan.
Higit pa sa mga konsultasyon, nag-aalok din ang programa ng mga libreng pagsusuri, mga gamot sa maintenance, mga bitamina, libreng laboratory tests, at mga salamin sa pagbabasa para sa mga may problema sa paningin.
Nakibahagi rin sina Vice Mayor Alvin Bravo at Councilor Maricon Operaña sa GUICONSULTA launching na pangunahing programa ng pamahalaang panlalawigan na may layuning mai-enroll ang mga Pangasinense sa Philhealth Konsulta.
#Guiconsulta#ProvinceOfPangasinan#PhilHealthEKonsulta#MedicalAssistance#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride