Upang ipaalam sa 25 bagong iskolars ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kahalagahan ng programa sa pagsasanay, isinagawa ang Training Induction Program upang bigyang-diin ang mga oportunidad at kasanayang mahalaga para sa trabaho.

Isang taos-pusong pasasalamat kay Congw.

Marlyn “Len” Primicias-Agabas sa pagbibigay ng 25 slot na ito para sa TESDA scholars.

Sa pangunguna nina Ms. Arlene M. Ramos, TESDA administrative support staff, at Sir Higino A. Villar III, TESDA trainer at assessor, inorient ang mga magsasanay hinggil sa programa ng pagsasanay, mga benepisyo nito, at ang kanilang mga responsibilidad bilang benepisyaryo.

Sasailalim ang lahat ng scholars sa 45-araw na training sa Food and Beverage Services sa San Nicolas, Pangasinan Training and Assessment Center.

Kasama ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez sa nasabing programa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kabilang sina Councilors Amorsolo Pulido, Queen Descargar, at Jairus Dulay.

Sa kaniyang talumpati, hinikayat ni Mayor Alice ang 25 trainees na gamitin at i-apply ang kanilang matututunan upang makatulong sa pagpapaunlad ng bayan ng San Nicolas.

Para sa mga nagnanais maging scholar, maaari pang mag-apply dahil mayroong available na 5 batches ng Food and Beverage Services, na may 25 estudyante bawat batch, na mula pa rin kay Congw. Marlyn.

#TESDATrainingInductionProgram#SanNicolasPangasinanTrainingAndAssessmentCenter#FoodandBeverageServicesNCII#SaTESDALingapAyMaaasahan#TESDAAbotSalahat#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon