Tinugunan ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang kahilingan ng Brgy. San Felipe East na pagandahin pa ang extension ng kanilang Ilang-Ilang Child Development Center (CDC).
Layon ng proyekto na matiyak ang kaligtasan at magkaroon ng kaaya-ayang espasyo sa pag-aaral ng mga bata.
Kabilang sa mga isinagawang pagpapabuti ay ang pag-install ng mga pader, grills, lababo, mga tiles, at pagpipintura kabilang ang pagpapagawa ng extension shed na natapos noong Abril 2023 at ngayon ay napakikinabangan pa.
Sa pagbisita ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez sa Ilang-Ilang CDC upang suriin ang proyekto, agad siyang sinalubong ng matatamis na ngiti at mainit na pagbati mula sa mga mag-aaral, magulang, at kanilang guro, si 𝙂𝙣𝙜. 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙗𝙚𝙩𝙝 𝙊. 𝘽𝙞𝙡𝙤𝙜.
Ayon kay Mayor Alice, “Ang eskwelahan ay ang pangalawang tahanan ng mga mag-aaral. Sa pagpapaunlad ng child development center na ito, mas nabibigyan sila ng inspirasyon na pagbutihin pa ang paghasa sa kanilang kaalaman at kasanayan tungo sa isang maliwanag na kinabukasan.”
#IlangIlangChildDevelopmentCenter#CompletionOfCDC#BuildingExtension#DevelopmentFund#ImprovingLearningSpace#MayorAliciaPrimiciasEnriquez
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride