Tuloy-tuloy ang mas pinalawig na programang Tulong Pang-Edukasyon para sa kabataang San Nicolanians sa tulong ng pamahalaang lokal ng San Nicolas kung saan umabot sa 1,848 na mag-aaral ang muling nabigyan ng pag-asa at suporta.
Malaking bahagi rito si Cong. Marlyn Primicias-Agabas na kaisa natin sa ating adhikain na maipadama ang tulong ng pamahalaang lokal sa layunin na mapabuti ang kinabukasan ng ating mga kabataan.
Masaya po tayong masaksihan ang walang humpay na ngiti ng mga magulang, tagapangalaga ng mga bata, at mga guro sa ibaโt ibang paaralan sa bayan kabilang na ang Red Arrow High School, Sobol Elementary School, at Lotus CDC noong Disyembre 5.
Isang mahigpit na yakap sa lahat ng kabataang San Nicolanians na nagsisikap mag-aral nang mabuti maabot lang ang kanilang mga pangarap sa buhay.
~๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐ข๐๐ข๐ ๐. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐๐ข๐๐ฌ-๐๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐๐ณ
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride