Sa patuloy na pagsasagawa ng mga inspeksyon ng proyekto ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez, kaniyang binisita ang San Antonio East Elementary School kung saan naisakatuparan ang 104 sq. m perimeter fence na gawa sa steel matting.

Ang proyektong ito ay pinondohan mula sa Special Education Fund na nailaan sa pagbili ng mga materyales na ginamit sa konstruksyon nito.

Ipinahayag naman ni 𝙂. 𝙀𝙙𝙙𝙞𝙚 𝙎. 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 ang taos-pusong pasasalamat ng San Antonio ES kay Mayor Alice at sa lokal na pamahalaan dahil sa mabilis at maayos na implementasyon ng proyektong ito.

“Nawa’y ang perimeter fence na ito ay makatulong sa pangangalaga at pagprotekta sa kanila habang nasa loob ng paaralan at magbigay inspirasyon upang magkaroon sila ng magandang buhay sa hinaharap,” saad ni Mayor Alice.

#SanAntonioEastES

#SchoolSafety

#PerimeterFenceProject

#SecuredAndProtected

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *