Mula sa datos ng Municipal Tourism Office, pumalo sa 90, 726 ang mga lokal at internasyonal na kailian at turistang bumisita sa dalawang kilalang tourist destinations sa bayan ng San Nicolasβang Agpay Eco Park at Malico, ang Summer Capital ng Pangasinan.
Mula Enero hanggang Disyembre 2024, umabot sa 48,181 ang bumisita sa Malico habang 42,545 naman ang namasyal sa Agpay Eco Park.
Makikitang Enero ngayong taon ay nakapagtala ang Agpay Eco Park ng 6,132 all-time high na visitor arrivals habang consistent naman sa higit 4,000 na bisita ang Malico sa buong taon maliban sa mga buwan ng Enero Pebrero, at Hulyo.
Ikinatuwa naman ito ni Mayor Alice dahil sa patuloy na paglago ng turismo sa bayan sa tulong aniya ng social media at word of mouth upang mas makilala pa ang bayan ng San Nicolas.
Hindi kasali sa report ang mga bumisita sa Christmas in the Park at Puyao River Picnic Grounds dahil seasonal lang ang visitor arrivals sa mga ito.
#TouristArrivals#SanNicolasTouristDestinations#SeePangasinan#LoveThePhilippines#AgpayEcoPark#MalicoSummerCapitalOfPangasinan#PuyaoRiverPicnicGrounds#ChristmasInThePark#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride