Bilang bahagi ng suporta sa sektor ng edukasyon, patuloy na naglalaan ng pondo ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas para sa mga proyektong nagpapahusay sa mga paaralan.
Isa sa mga ebidensya nito ay ang mga proyekto sa San Rafael Elementary School tulad ng pagkakaroon ng school drainage na may sukat na 134.3 metro, at concrete pathway na may lawak na 90 metro kuwadrado.
Bumisita si Mayor Alice sa paaralan upang personal na suriin ang mga proyektong ito at upang alamin na rin ang iba pang mga pangangailangan ng mga mag-aaral.
Nagkaroon din ng pagkakataon na iparating kay Mayor Alice ang taos-pusong pasasalamat ng mga guro at estudyante, sa pangunguna ni Principal Darmer Hilda O. Aquino.
#DevelopmentalFund#ConstructionOfDrainageCanalWithGratingCover
#SpecialEducationFund#ConstructionOfConcretePathway
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride