Isa sa mga pangunahing tinututukan ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang sektor ng agrikultura. Sa kaniyang adhikain na pataasin ang kalidad ng mga produktong ibinebenta sa merkado, inaprubahan niya ang kahilingan ng barangay na makapagtayo ng solar dryer pavement.

Sa kaniyang pagbisita sa proyektong may kabuuang sukat na 27 metro kwadrado, kasama ni Mayor Alice ang mga miyembro ng barangay council at kanilang punong barangay na si ๐™‹๐˜ฝ ๐™ˆ๐™ช๐™ง๐™ฅ๐™๐™ฎ ๐™‡. ๐™€๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™™๐™–.

Nagpahayag ng pasasalamat si PB Estrada at nangakong higit pang pagsisikapan ng kanilang pamunuan na paglingkuran at pangalagaan ang kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay Mayor Alice, “Ang mga magsasaka ay mahalagang bahagi ng pag-unlad ng ekonomiya ng ating bayan. Sa pamamagitan ng proyektong ito, napapataas natin ang kalidad ng mga produktong kanilang ibinebenta at mas pinapahaba ang buhay ng kanilang ani.”

Para sa konstruksiyon ng proyektong ito, naglaan ang lokal na pamahalaan ng 200 sako ng semento, sampung truckload ng graba, at pitong truckload ng buhangin.

#BarangayCalaocan

#SolarDryerPavement

#AgriculturalSupport

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *