Naitayo ang 27m³ na concrete solar dryer pavement sa Brgy. Camangaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka na mabilis at matipid na paraan nang pagpapatuyo ng palay at mais.
Layunin ng pamahalaang lokal na payabungin at pagyamanin ang sektor ng agrikultura upang magkaroon ng kalinangan sa bahagi ng magsasaka na magbibigay sa kanila ng ibayong kaunlaran at mataas na antas ng pamumuhay.
Kaugnay nito, nagtungo si Mayor Alice sa nasabing barangay na pinamumunuan ni 𝐏𝐁 𝐇𝐞𝐫𝐦𝐢𝐧𝐢𝐠𝐢𝐥𝐝𝐨 𝐃. 𝐃𝐨𝐭𝐨𝐧 upang suriin ang mga benepisyo ng maayos na implementasyon ng pondo ng gobyerno.
Saad ni Mayor Alice, “Ipagpapatuloy natin ang mga programang naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa suplay ng pagkain at mapagtibay ang ekonomiya ng ating bayan.”
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride