Sa pagpapatuloy ng ‘Green Initiatives’ ni Mayor Alice na mga inisyatibong pangkalikasan at mga proyektong nakatuon sa eco-friendly practices sa bawat barangay sa San Nicolas, muling nagpaabot ng solar-powered lights ang alkalde sa Brgy. Malilion.
Tinanggap ng nasabing brangay ang 10 solar-powered streetlights na naipatayo sa tulong ng mga subsidiyang materyales mula sa lokal na pamahalaan ng ating bayan.
Bilang bahagi ng mayoral visits, personal na binisita ng alkalde ang barangay upang masusing tingnan at suriin ang proyekto, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan upang alamin ang kanilang kalagayan.
Nagpasalamat si 𝙋𝘽 𝙏𝙚𝙤𝙙𝙪𝙡𝙛𝙤 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙤𝙨 at ang mga opisyal ng barangay kay Mayor Alice sa kaniyang walang sawang pagsuporta sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay PB Serios, “Malaking tulong ang eco-friendly project na ito upang makatipid ang aming barangay sa pagkonsumo ng kuryente. Bukod dito, nababawasan din ang pangamba ng aking mga kababayan tuwing sila ay lalabas ng gabi, sapagkat maliwanag ang kanilang mga dinadaanan.”
#CostEfficientAndEnergySavingProjects
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride