Ikinatuwa ng mga residente ng Brgy. Siblot ang solar-powered streetlights na naikabit na sa iba’t ibang bahagi ng kanilang lugar dahil sa adhikain ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez na mapailawan ang mga kalsada upang maging ligtas ang mga motorista tuwing gabi
Personal na binisita ng butihing alkalde ang mga naipatayong sampung poste ng solar streetlights na ngayon ay nagbibigay liwanag na sa daan at labis na ikinagalak ng mga residente na pinamumunuan ni 𝐏𝐁 𝐍𝐨𝐞𝐥 𝐋𝐚𝐝𝐢𝐚.
Kabilang sa mga ibinigay ng lokal na pamahalaan sa proyektong ito ay 10 piraso ng G.l. Pipe, pitong bags ng Portland cement, isang truckload ng screened sand, at dalawang kgs. ng G.I. wire #16.
#SolarStreetrLights#BarangaySiblot#GreenInitiatives#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride