Para sa kaligtasan, seguridad, at maliwanag na kinabukasan ng San Nicolas, patuloy na isinusulong ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang paggamit ng mga eco-friendly at energy-efficient na proyekto sa ating bayan.
Isa sa mga benepisyaryo ng makakalikasang inisyatibong ito ay ang Brgy. Sobol, kung saan matagumpay na naipatayo ang sampung (10) 300 watts na LED solar-powered streetlights, na pinondohan gamit ang barangay subsidy ng pamahalaang lokal.
Sama-samang nagbayanihan ang mga residente at pamunuan ng barangay sa pangunguna ni 𝙋𝘽 𝙈𝙚𝙡𝙗𝙖 𝙑. 𝙑𝙞𝙨𝙩𝙧𝙤 sa pag-install ng mga solar lights sa iba’t ibang bahagi ng kanilang komunidad.
Kamakailan, ininspeksyon ni Mayor Alice ang proyektong ito upang masuri ang kalidad ng pagkakagawa nito. Matapos ang inspeksyon, nakipag-usap ang alkalde sa pamunuan ng barangay upang iparating ang mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan na naglalayong paunlarin ang kaalaman, kasanayan, at kabuhayan ng mga mamamayan ng ating bayan.
#InstallationOfLedSolarPoweredStreetlights
#PowerSavingAndEcoFriendlySolutions
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride