Sana all no more!

Dahil sa tulong ni Mayor Alice at ng pamahalaang lokal ng San Nicolas, may bagong ceiling at floor tiles na ang stage ng Malico National High School na ikinatuwa ng mga estudyante, magulang, at guro.

“Malaking bagay para sa amin na binigyang pansin ni Mayor Alice ang aming stage upang may magamit kami tuwing nagdaraos ng mga programa sa eskuwelahan,” saad ni Asst. Principal Josephine Daquigan.

Mula sa Development Fund, naisakatuparan ang proyektong 80 sq. meter ceiling at floor stage na may sukat na 10 metro x 5 metro habang ang tanggapan ng kanilang punong-guro ay malapit na ring malagyan ng floor tiles.

Samantala, nabigyan din ng flat playing ground ang paaralan upang magkaroon ng espasyo sa paglalaro ng sports ang mga batang mag-aaral.

“Malayo man ang distansya ng aming paaralan, ngunit kailanman naramdaman naming malapit kami sa puso ni Mayor Alice. Bahagi siya sa tuwa’t sayang nararamdaman namin dahil totoong bumubuhos ang biyaya dahil sa mahusay niyang pamamalakad,” dagdag pa ni Daquigan.

#StageFlooring#StageCeiling#FlatPlayingGround#MalicoNHS#WishGranted#SanaAllNoMore#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon