Binigyan ng bagong bihis ang stage ng Cristobal Elementary School matapos maglaan ng pondo ang pamahalaang lokal ng San Nicolas upang malagyan ito ng bubong at ma-elevate ang floor stage nito.
Ayon kay ππͺπΌπΆπ²π· π’πΈπ»π²πͺπ·πΈ, punongguro ng nasabing paaralan, nasa 34.15 metro kuwadrado ang proyekto na inaasahang makatutulong sa paaralan tuwing may co-curricular at extra-curricular activities sila.
βSalamat kay Mayor Alice at sa LGU San Nicolas sa maagap na pagtugon sa aming hinaing at sa patuloy na pagpapadama ng pagmamahal at suporta sa aming mga mag-aaral. Isang biyaya para sa amin ang proyektong ito dahil tuwing may mga aktibidad sa aming paaralan, malaking tulong ang naibibigay ng aming maayos na stage,β saad ni Soriano.
Ayon naman kay Mayor Alice, kahit umulan o umaraw ay makapagdadaos pa rin ang nasabing paaralan ng kanilang mga aktibidad kaya siniguro niyang hindi lang maayos ang bubong nito kundi ma-elevate pa ang floor stage.
Ang Cristobal Elementary School ay isa lamang sa mahigit 40 paaralan sa San Nicolas na pinagkalooban ng proyektong imprastruktura ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.
#ConstructionOfStageRoof#FloorStageElevation#ParaSaBata#ParaSaBayan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride