Sa buhay, madalas tayong nadadala ng pagod sa pagtatangkang kontrolin ang bawat aspeto ng ating situwasyon. Nahihirapan tayong bitawan ang mga alalahanin sapagkat nais nating hanapan kaagad ng solusyon ang lahat ng bagay.

Ngunit laging tandaan na ang tunay na kapahingahan ay matatagpuan sa pagiging payapa sa presensiya ng Diyos. Hindi ito nangangahulugan ng kawalang-kibo o pagpapabaya, kundi ng tahimik na pagtitiwala na Siya ang kikilos para sa atin sa tamang panahon.

#SundayInspiration#LetGoOfYourWorries#GodWillFightForYou#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *