Sa tulong ni ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™ฌ. ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ก๐™ฎ๐™ฃ ๐™‡. ๐™‹๐™ง๐™ž๐™ข๐™ž๐™˜๐™ž๐™–๐™จ-๐˜ผ๐™œ๐™–๐™—๐™–๐™จ, maisasakatuparan na ang pagtatayo ng Super Health Center sa bayan ng San Nicolas bilang bahagi ng Health Facilities Enhancement Program na naglalayong mapabuti ang mga pasilidad pangkalusugan sa buong bayan.

Kaugnay nito, nagdaos ng pulong si Mayor Alice kasama sina Arch. Rob Tapangco (DPWH RO1), Arch. Julius Gaceta (DPWH RO1), Catherine Nalupa (DMO IV ng DOH), Dr. Francis Subido (MHO), Kay Tenerife (Nurse II), at Engr. Normandy Flores (Acting MPDC) noong Mayo 23 upang talakayin ang mga serbisyong medikal na ibibigay ng Super Health Center, na inaasahang magkakaroon ng mga modernong kagamitan at ibaโ€™t ibang pangkalusugang serbisyo.

Nito lamang Agosto 28, muling nagdaos ng pulong sina Mayor Alice, Roberto Tapangco (DPWH-Engineer III), Rhys Florendo (DOH-Engineer I), Michael Madayag (DOH-Architect II), Chris Opeรฑa (DPWH-Engineer II), Rob Tapangco (DPWH-Architect I), at Kay Tenerife (Nurse II) kung saan sinuri ang lugar na pagtatayuan ng super health center at tinalakay ang mga detalye ng pasilidad na magbibigay ng 24/7 na serbisyo, tulad ng X-ray, laboratory testing, birthing room, dental clinic, at sariling parmasya.

โ€œAng proyektong ito ay isang hakbang patungo sa pagpapabuti ng kalusugan ng ating komunidad. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, masisiguro nating ang bawat San Nicolanian ay may access sa kinakailangang serbisyong medikal,โ€ ani Mayor Alice. ๐Ÿ’™๐Ÿ’ช

#SuperHealthCenter#LenCares#SerbisyoANaimpusoan#TogetherWeServe#PrimiciasAgabasCares#ThankYouDepartmentofHealth#ThankYouCongMarlyn#EffectiveMedicalServicesinSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *