Tumanggap ng mga libreng suplay ng pagkain ang 37 Child Development Centers (CDC) sa tulong ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang MSWDO at LGU San Nicolas na pinamumunuan ni Mayor Alice.
Tinatayang nasa 650 na estudyante ang mahahandugan ng samu’t-saring masusustansyang pagkain na isasasagawa isa o dalawang beses sa loob ng 60 hanggang 120 araw sa iba’t ibang CDCs ng bayan.
“Mahalaga na nakakatanggap ng wastong nutrisyon ang bawat mag-aaral sapagkat ito ay nakapagpapanatili ng kanilang cognitive at physical functioning,” saad ni Mayor Alice.
Hiniling din alkalde na makiisa at suportahan ng bawat mamamayan ang mga programang nakatuon sa pagpapatibay, pagpapanatili, at pangangalaga ng kalusugan ng mga batang San Nicolanians.
#HealthyHeartyMealsForChildren
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride