Dahil sa marubdob na hangarin ni Mayor Alice na maging drowning-free municipality ang San Nicolas, nakipagsanib-puwersa ang pamahalaang lokal sa Survivalist Philippines para sa isang water survival training program.
Sa pangunguna ni Noel Cabobos, pangulo ng Survivalist Philippines at miyembro ng San Nicolas Municipal Disaster Risk Reduction Management Council, nabigyan ang mga mag-aaral ng mahahalagang praktikal na kasanayan at taktika para manatiling ligtas sa tubig, anuman ang kanilang kakayahan sa paglangoy.
“Ang water safety at ang matutong lumangoy ay mahalagang kasanayan na kinakailangan ng bawat bata sa ating bayan. Mahalagang bahagi ng pamumuhay natin ang tubig, ngunit sa kabila nito, ang pagkalunod ay pangunahing dahilan pa rin ng pagkamatay at sakuna lalo na sa mga pinakabatang miyembro ng bawat pamilya,” saad ni Mayor Alice.
Katuwang ni Cabobos ang mga accredited rescue-trainers at lifeguards na sina Mario Lopez, Jeck Dacurong, Gilbert Santiago, at Jimmy Pastor sa nasabing training program na ginanap sa Agpay Eco Park.
#WaterSurvival#CrashCourse#SurvivalistPH#LGUSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride