Bilang pag-iingat sa pinsalang maaaring idulot ng Super Typhoon #PepitoPH, pansamantala munang isasara ang Christmas in the Park ngayong gabi.
Habang patuloy na tinutumbok ang Aurora Province sa Central Luzon, bahagyang humina ang bagyong Pepito taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kph at pagbugsong umaabot sa 255 kph.
Magsisimula nang sumama ang panahon sa mainland Luzon kasama ang Metro Manila dahil sa pag-akyat ng bagyo. Babaybayin nito ang landmass ng Northern Luzon at Central Luzon bago inaasahang lalabas ng kalupaan mamayang gabi patungong West Philippine Sea.
Kailian, patuloy po tayong maghanda, magdasal, at mag-ingat dahil hindi po biro ang taglay na lakas ng bagyong ito.
Sources: DOST-PAGASA & Philippine Weather System
#WeatherUpdate#ChristmasInTheParkTemporarilyClosed#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride