Pinatunayan nina Arabela Rubio, Jersy Blas, at Ronalyn Pasion ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahabang pasensiya bukod sa pagiging malikhain at hygienic sa kanilang pagsasanay sa paggawa ng cake bilang scholars ng LGU San Nicolas sa San Nicolas Training and Assessment Center.
Ani Rubio, mahirap ang cake designing at kailangang tantiyado ang paglalagay ng ingredients dahil kapag nasobrahan o nakulangan ay nagbabago ang lasa ng cake.
Mula sa kaniyang natutunan, nais ni Pasion na igawan ang kaniyang ama ng cake para sa nalalapit na kaarawan nito habang lubos naman ang pagpapasalamat ni Blas dahil nasusubukan ang kaniyang creativity at patience habang nag-aaral ng Bread and Pastry Production NC II.
Ang tatlong scholars ay bahagi ng programa ng pamahalaang lokal ng San Nicolas at ni Mayor Alice katuwang ang TESDA upang mabigyan ng oportunidad ang mga kabataang hasain ang kanilang kakayahan at magamit sa pagpapabuti ng kanilang buhay.
#TESDALingapayMaaasahan#SaTESDALingapAyMaaasahan#BreadAndPastryNCII#SaTesdaAbotLahat#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride