In behalf of the Municipality of San Nicolas, nagpapasalamat po ako sa Philippine Pentecostal Holiness Church (PPHC) at sa Minister’s Association Integrated Nutrition Program (MAINP) sa kanilang ilulunsad na feeding program para sa mga kabataan sa ating bayan.
Naipagbigay alam sa akin na ang 900 boxes na MannaPack Rice para sa programang ito ay dumating na sa ating bayan at nalulugod ako dahil naging kabahagi ang lokal na pamahalaan sa napakaganda at makabuluhang proyektong ito. Nakaraan lamang ay inaprubahan natin ang P20,000 financial assistance upang makatulong sa hauling ng MannaPacks na ito.
Nagpapasalamat din ako dahil ang ating bayan ang ginawang sentro o opisyal na warehouse ng mga MannaPack Rice sa buong Region 1 dahil sa nakita nilang suporta ng lokal na pamahalaan sa kanilang proyektong feeding program.
Ang MannaPack Rice ay isang pormula na nilikha upang matugunan ang mga pangangailangan sa nutrisyon ng mga bata sa buong mundo na may malubhang malnutrisyon. Ang mga bitamina, mineral at iba pang mga nutrisyon na nilalaman sa loob ng isang timpla ng bigas, mga deyhdrated na gulay at nuggets ng soya ay nakakatulong sa mga batang may malnutrisyon upang ibalik ang sigla ng kanilang pangangatawan.
Sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan, inaayos na ng PPHC at MAINP ang schedule upang umpisahan na ang distribusyon ng MannaPacks sa mga pre-elementary and elementary school children.
Sa natanggap nating 900 boxes, ito ay naglalaman ng 14 packs kada box. Ang isang pack ay kayang pakainin ang 30 na kabataan kaya nakapakalaking tulong ng programang ito para sa mga kabataan sa ating bayan.
~MAYOR ALICIA L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride