Kung may tunay na timpla man ang tagumpay, para kay Jasper Renz Garcia ng Brgy. Malilion, ito ay lasang kape.
Mula sa isang libangan at impluwensiya ng barkada kasama na ang mga natutunan niya sa kursong Hospitality Management, nagbakasakali’t sumubok ang Coffee Prince ng San Nicolas na iwan ang kaniyang full-time job sa isang sikat na fast-food chain at magtayo ng kaniyang sariling pop-up café.
“Isa sa aking mga kaibigan ang talagang nagsimula ng isang pop-up café. Nagsimula siya sa isang maliit na cart at isang coffee machine, pumatok sa publiko, at tinatangkilik magpahanggang ngayon. Sa tingin ko, kung ang komunidad tulad ng San Nicolas na aking kinaroroonan ay mayroon nang malakas na kultura ng kape, lubos na posible ang nagsisimulang negosyo kong ito,” kuwento ni Jasper.
Malaking bagay rin umano para sa kaniya ang tulong at suporta ng kaniyang girl friend na si Irish Pascual dahil siya ang naging inspirasyon at business partner niya sa pagtatayo ng coffee business nilang The Sip.
Sa kanilang Facebook page na The Sip, pinopost nila ang kanilang business schedule at location na karaniwang makikita sa Brgy. Malilion dito sa San Nicolas, Brgy. Tulong, Urdaneta City, at sa Castusu Integrated School sa Laoac. Nakarating na rin sila sa Sto. Tomas, Pangasinan at Rizal, Nueva Ecija dahil tumatanggap din sila ng bookings.
Ang The Sip ay isa sa mga maliliit na negosyong mahahanap sa Food Bazaar at Flea Market na magbubukas ngayong Nobyembre 14 hanggang Enero 10 sa harap mismo ng Municipal Grounds Complex.
#TheCoffeePrince#TheSip#BrewingWithLove#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride