๐๐๐ญ๐ ๐๐ฅ๐ฃ๐ก๐๐ง ๐๐ฌ๐ญ๐๐๐๐ง & ๐๐ฅ๐ญ๐ก๐๐ ๐๐จ๐ง๐ข๐ฅ๐ฅ๐
Nasa ikalimang baitang sina Kate at Althea nang magsimula silang magkaroon ng interes sa fruit carving. Sa tulong ni Teacher Magerlyn Alagano, nahasa pa sila nang husto hanggang sa sinubukan nilang sumali sa Technolympics.
Pagkatapos ng dalawang taong pagpupursigi at pag-eensayo, nagawa ng dalawang higitan ang inaasahan ng kanilang guroโang humakot ng mga medalya at iwagayway ang bandera ng Salpad Elementary School hanggang sa Regional Level.
โKailangan pong isaalang-alang ang tamang paghawak ng carving knife at ang wastong diin nito dahil maaari kang masugatan o di kayaโy baka masira ang inuukit na prutas,โ saad ni Althea.
Bagamaโt high school na ang โfruit carving duoโ, baon pa rin nila ang aral ng sining na minahal nilaโhindi man nila kontrolado ang lahat ng bagay, maaari man itong masira o kailangan mang bumalik sa umpisa, ang mahalagaโy natutunan nilang nasa kamay nila kung paano pagagandahin ang kanilang buhay.






#Marahuyo#FruitCarving#FruitCarvingDuo#PrideOfBrgySalpad#PrideOfSalpadElementarySchool#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride