Naniniwala ka ba sa suwerte, kailian? Hindi raw natin puwedeng iasa ang lahat ng bagay sa suwerte bagkus kailangang kumilos, magsipag, at magbanat ng buto.

Ngunit nang magsabog yata ng kasuwertehan ang Diyos ay nasalong lahat ni Paola Aliedo ng Valenzuela City. Maniniwala ka bang halos buwan-buwan siyang nagwawagi sa raffles at contests na sinasalihan niya?

Lagi siyang nakasusungkit ng gift certificates, gift products, concert tickets, at nagwawagi sa mga writing contest. Sa katunayan, minsan na siyang nagwagi ng all-expense-paid trip sa New Orleans para lang manood ng NBA Finals. Astig, di ba?

“I always manifest and attract. Naniniwala ako na mangyayari ang mga bagay na pinaniniwalaan ko mismo. I feel so blessed lalo’t malakas ang gut feeling ko,” saad ni Paola.

Dagdag pa niya, siya’y isang miracle baby lalo’t ipinanganak siyang una ang paa o tinatawag na suhi at naniniwala siyang dahil doon kaya siya sinusuwerte.

Pero totoo rin ang sabi nilang “You cannot have it all.” Dahil gaano man siya kasuwerte sa raffles at contests, hindi naman ganoon ang naging kapalaran niya sa pag-ibig. Ang pagsali umano sa raffles ang naging libangan niya upang ma-divert ang kaniyang atensiyon mula sa kasawiang ito.

Ang 36-anyos na si Paola ay isang guro, author, at content creator, Nakapaglathala na siya ng kaniyang mga aklat tulad ng My Manananggal Dream, Till Then, My Tamawo, The White Kapre’s Squad of Mis(Adventures).

Ngayong 2025, naniniwala ka bang aayon sa’yo ang kapalaran, kailian?

#Suwerte#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon