Muling namahagi ng tulong pinansiyal na aabot sa PHP746,000 ang pamahalaang lokal ng San Nicolas bilang bahagi ng misyon at pangako sa komunidad mas mailapit pa ang gobyerno sa kaniyang mamamayan,

Nasa 387 residente ang tumanggap ng tulong pinansiyal sa isinagawang seremonya nitong Agosto 27, kung saan 348 mula rito ay pinagkalooban ng tulong medikal at nasa 39 naman ang nabigyan ng tulong sa pagpapalibing.

Dumalo rin sa nasabing distribution of assistance to individuals in crisis situation sina Vice Mayor Alvin Bravo, Mun. Councilors Pedrilito Bibat, Queen Descargar, Jairus Dulay, Amorsolo Pulido, Jun Serquiña, at Leomar Saldivar kasama si IPMR Felixfrey Lorenzo.

“Huwag po sana kayong mawalan ng pag-asa at patuloy na manalig sa Poong Lumikha. Kaagapay po ninyo ako at ang pamahalaang lokal ng San Nicolas sa masalimuot na bahaging ito ng inyong buhay,” anang alkalde.

Ayon pa sa alkalde, bukas ang kaniyang opisina sa mga residente ng bayan anumang tulong ang kailangan ang kayang ipagkaloob ng lokal na pamahalaan.

#FinancialAssistance#TulongMedikal#TulongSaPaglilibing#IlapitAngLokalNaPamahalaanSaMamamayan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon