What: FIRST DOSE, SECOND DOSE AND BOOSTER VACCINATION
When: January 10-15, 2022 (Monday to Saturday)
Where: San Nicolas Municipal Gymnasium
Ano ang mga kailangan dalhin para sa 2nd dose vaccination ng adult population (18 years old and above)?
Sagot:
Dalhin ang vaccination card kasama ng isang government-issued ID na may address na San Nicolas. Kung wala namang VALID ID, maaring kumuha ng Voter’s Certificate sa COMELEC.
Tanong:
Sinu-sino ang maaaring magpabakuna ng booster shots at ano ang kailangang dalhin?
Sagot:
Lahat ng residente ng San Nicolas na lagpas tatlong buwan na ang kanilang second dose o lagpas dalawang buwan na ang kanilang single dose (para sa mga nabakunahan ng Janssen). Magdala lamang ng isang VALID ID at huwag ding kakalimutang dalhin ang inyong vaccination card.
Sinovac–>At least 3 months–>Sinovac/Astrazeneca/Pfizer/Moderna
Astrazeneca–>At least 3 months–>Astrazeneca/Pfizer/Moderna
Pfizer–>At least 3 months–>Pfizer/Astrazeneca/Moderna
Moderna–>At least 3 months–>Moderna/Astrazeneca/Pfizer
Sputnik V–>At least 3 months–>Astrazeneca/Pfizer/Moderna
Janssen–>At least 2 months–>Astrazeneca/Pfizer/Moderna
Tanong:
Ano ang mga kailangan dalhin para sa 1st dose vaccination ng adult population (18 years old and above)?
Sagot:
Magdala lamang ng isang government-issued ID na may address na San Nicolas. Kung wala namang VALID ID, maaring kumuha ng Voter’s Certificate sa COMELEC.
Tanong: Ano ang mga kailangang dalhin para sa 1st dose vaccination ng pediatric population (12 to 17 years old)?
Sagot:
1. Original and photocopy ng Birth Certificate ng bata (PSA or Certificate of Live Birth);
2. Original and photocopy ng valid ID ng parent or guardian;
3. Original and Photocopy ng kahit anong ID ng bata. Kung walang ID ang bata, kumuha lamang ng Certificate of Residency sa inyon Kapitan;
4. Kung hindi parent/magulang ang kasama, kailangan ding kumuha ng Certification galing kay Kapitan na kayo ay LEGAL GUARDIAN ng bata.
Tara na’t magpabakuna para protektado ang sarili, pamilya at buong komunidad!
Tara na’t magpabakuna upang protektado ang pamilya!
~DRA. ALICE L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ
#ToHerdImmunityAndBeyond#WeHealAsOne
#LetUsPutAnEndToThisPandemic#FirstDose#SecondDose#BoosterShots
#MayorAlicePrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride