Naghatid ng isang mainit na yakap ng pag-asa, pagmamahal, at kasiyahan ang Handog ni Len Round 2 sa mga kailian sa Brgy. San Felipe East, Brgy. San Felipe West, Brgy. Calanutian, Brgy. Camindoroan, Brgy. Sto. Tomas, Brgy. Camangaan, Brgy. Cabuloan, Brgy. San Rafael East, Brgy. San Rafael Centro, Brgy. San Rafael West, at Brgy. Sobol.

Sa ikalawang araw ng pamamahagi, 8,603 na San Nicolanians ang sabay-sabay na nagdiwang, nakipagsayawan, at kantahan kina Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas at Mayor Alicia Primicias-Enriquez. Nagsilbing inspirasyon ang dalawang magigiting na babaeng lider kasama ang Sangguniang Bayan ng San Nicolas.

Higit pa sa mga ngiting inuwi ng mga kailian ay ang limang kilong bigas na simbolo ng pasasalamat ni Cong. Marlyn sa bawat isa. Hindi lamang ito isang simpleng handog, kundi isang palatandaan ng kaniyang taimtim na pagkalinga at pagmamalasakit para sa bayan na kaniyang pinagmulan.

Buong pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng bawat isa kay Cong. Marlyn at Mayor Alice sapagkat damang-dama ng lahat ang kanilang taos-pusong pagmamahal.

#HandogNiLenRound2Day2

#TogetherWeServe

#ThankYouCongresswomanMarlynPrimiciasAgabas

#SerbisyoANaimpusoan

#LenPrimiciasAgabas#CongresswomanMarlynPrimiciasAgabas

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *