Sa likod ng bawat lagaslas ng tubig, bawat yapak sa mabatong daan, at bawat paglalakbay na puno ng sigla—isang Ate Shawie ang umiibig.
Ngunit hindi ito simpleng pag-ibig; ito ay pag-ibig sa kariktan ng mundo, sa kasaysayan ng San Nicolas, Pangasinan, at higit sa lahat, sa mga kahanga-hangang talon na tila kumakaway sa mga nais makadama ng koneksyon sa kalikasan.
Ang San Nicolas, kung saan ang mga talon ay tila mga alahas ng Caraballo Mountain Range, ay mayaman sa natural na kagandahan. Ang mga ilog na bumabalot dito ay naging tambayan para sa mga pamilyang naghahanap ng kasiyahan tuwing bakasyon at tag-init. At si Ate Shawie? Isang explorer na ang puso ay tila sinilaban ng pagsinta para tuklasin ang bawat sulok ng bayan.
Bumihag lang naman kay Ate Shawie ang Lipit Falls sa Brgy. Sta. Maria East, ang Agpay Falls sa Brgy. San Felipe East, Pinsal Falls 1, 2, at 3 sa Sitio Nagsimbaoaan, Brgy. Cacabugaoan, Mambolo Falls sa Brgy. Salpad, Pinsal Bensican sa Brgy. Bensican, at Baracbac Falls sa Brgy. Fianza.
Sa mga nais ma-FALL in love tulad ni Ate Shawie, huwag palampasin ang pagkakataon. Bisitahin ang San Nicolas, pero tandaan na ang paglalakbay ay masaya lamang kung tayo’y responsable. Ingatan ang kalikasan, magdala ng sapat na kagamitan, huwag magtapon ng basura kung saan-saan, at tiyaking ligtas ang bawat hakbang.
Ika nga ni Ate Shawie, “Hindi lahat ng FALL ay masakit; ang iba, nakatutuwa. Dito sa San Nicolas, nadiskubre ko ang tunay na kahulugan ng falling in love.”
#SanNicolasTourism#TouristDestination#WhenAteShawieFallsInLove#fallinlove#SeeSanNicolas#SeePangasinan#LoveThePhilippines#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride