Bilang paghahanda sa mga posibleng sitwasyon na kanilang haharapin sa kanilang work immersion at maging sa hinaharap, sumailalim sa isang mahalagang oryentasyon at pagsasanay ang mga mag-aaral ng Red Arrow High School (RAHS) at Tayug National High School (TNHS) sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sa mga unang araw pa lamang ng work immersion, tinuruan na ang walong estudyante ng TNHS at dalawang estudyante ng RAHS ng ng iba’t ibang mahahalagang aspekto ng disaster response tulad ng basic life support, water rescue training, at first aid basics.
Batay sa ulat ni MDRRM Officer Shallom Gideon Balolong, nagkaroon ng pagkakataon ang work immersion students na rumesponde sa isang aktuwal na emergency situation na nagbigay sa kanila ng pagkakataong maranasan ang “real workplace” experience bilang emergency responders.
“Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, nagiging mas handa ang mga kabataan sa pagharap sa mga sakuna at iba pang emergency na sitwasyon dahil ang agarang pagkilos at pagsalba ay mahalaga upang maprotektahan ang buhay ng tao sa harap ng isang krisis,” saad ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez.
#SanNicolasRescue#WorkImmersion#MDRRMOSanNicolas#EmergencyResponders
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride