Bilang isang nurse, pharmacist, at doktor, ginagamit nang mabuti at mahusay ni Mayor Alice ang kaniyang mga propesyon upang mas makapagbigay pa ng dekalidad na serbisyong medikal sa lahat ng San Nicolanians.

Sa kaniyang pagbisita sa siyam na pasyente, naghandog muli ang alkalde ng libreng konsultasyon, gamot, at assistive devices gaya ng wheelchairs, single cane at quad cane.

Mula sa panayam ng San Nicolas, Pangasinan My Home My Pride, ibinahagi ni Dok Alice ang kaniyang kasiyahan tuwing bumibisita siya sa mga kababayang may iniindang karamdaman sapagkat dito niya higit na naipapakita ang kaniyang pagmamahal at pagmamalasakit sa buong bayan ng San Nicolas.

#DokAliceAtYourService#MedicalServices#AssistiveDevices#FreeConsultation#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon