Isang makulay at nakamamanghang halaman ang bougainvillea na nakakaakit sa makulay nitong mga katangian at natatanging mga kulay. Mula sa kakayahang yumabong sa mainit at tuyong klima hanggang sa versatility nito sa iba’t ibang disenyo ng landscape, nakuha ng bougainvillea ang lugar nito bilang isang popular na halaman sa mga hardinero at landscaper.

Isa ang public school teacher na si Dexter Talinio ng Dalumpinas Elementary School sa mga nahumaling sa halamang ito. Nang magkaroon ng pandemya, sumibol ang pagmamahal ni Sir Dex sa bougainvillea. Dito niya nadiskubre ang kaniyang kakayahan sa grafting na unti-unting bumago sa kaniyang buhay.

Para sa kaniya, priceless ang naidudulot na happiness ng hobby na ito dahil sa tulong nito, hindi lang nadaragdagan ang kanilang family income kundi nagkakaroon din siya ng outlet upang mailabas ang kaniyang creative expressions.

“Mahirap na art ang bougainvillea grafting dahil isa siyang living art. Tiyaga, sipag, at determinasyon ang kailangan mo upang mapaghusay at lalong mapaganda ang matinik ngunit marikit na halamang ito,” aniya.

Sa ngayon, may mga regular at on-call customer na siya sa buong bayan. Sa katunayan, isa siya sa mga nasa likod ng malaking hardin ng bougainvillea ni Cong. Marlyn Primicias-Agabas.

Bagamat aminado siyang marami pa siyang kailangang matutunan sa craft na ito, malaking bagay para sa kaniya ang tiwala ng kaniyang pamilya at customers na nagsisilbing inspirasyon niya upang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulang larangan.

Ngayong Hunyo 2024, plano niyang magsagawa ng training para sa lahat ng interesadong bougie lovers at enthusiasts na nais pang matuto at mapaganda ang kanilang minamahal na halaman.

Sa iba’t ibang kultura, nauugnay sa kagandahan, pagsinta, at dedikasyon ang bougainvillea na patuloy na pinatutunayan ng kailian nating tulad ni Sir Dexter.

#Bougainvillea#BougieLover#BougainvilleaStrickenTeacher#Plantito#Plantita#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon